bu•hók ni és•ter : bromeliad (Tillandsia usneoides) na pinilakang abuhin at parang sinulid ang nakabiting mga tangkay, umaabot sa 2 m ang habà, at maliliit ang bulaklak
bu•hók 1: balahibong tumutubò sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ng tao 2: anumang katulad ang anyo
ni 1: nagpapahayag ng pagmamay-ari at karaniwang sinu-sundan ng pangalan ng tao, hal “Bago ang sapatos ni Jona.” 2: nagpapahayag ng tagagawâ ng aksiyon at karaniwang sinusundan ng pangalan ng tao, hal “Hiniram ni Nieves ang aklat.”
Á•wit ni So•lo•món : aklat sa Bibliya na naglalamán ng mga tula ng pag-ibig na ipinalalagay na mula kay Solomon
Ar•ka ni No•é : sa Bibliya, ang sasakyang-dagat na ipinagawâ ng Diyos kay Noe upang mailigtas ang isang pares ng bawat hayop at ibon sa panahon ng dilubyo